Oblation Inscriptions

UP Oblation Facts

Here are the inscriptions:

FRONT

Nasaan ang kabataang mag-aalay
ng kanilang kasibulang buhay,
ng kanilang adhikain at sigasig
sa kabutihan ng bansa?

Nasaan ang siyang puspusang
magbubuhos ng dugo upang
hugasang lahat ang ating kahihiyan,
ang ating mga kalapastanganan,
ang ating kabalintuan?

Tanging yaong dalisay at walang bahid
ang karapatdapat na naging alay upang
matanggap ang kasalantaang ito.

Binigkas ni Padre Florentino sa El Filibusterismo, Dr. Jose P. Rizal, 1891

BACK

Saan man mautas ay di kailangan,
cipre � o laurel, lirio ma�y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng bayan.

RIGHT

HULING PAHIMAKAS
NI DR. JOSE P. RIZAL

Masayang sa iyo�y aking idudulot
ang lanta kong buhay na
lubhang malungkot:
Maging maringal man at
labis alindog
sa kagalingan mo ay
Akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis

ang alay ng iba�y
ang buhay na kipkip
walang agam-agam
maluag sa dibdib
Matamis sa puso at di ikahapis.

-Salin ni Andres Bonifacio

LEFT

PAG-IBIG SA TINUBUANG BAYAN
NI ANDRES BONIFACIO

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila?
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit, tumula, kumatha�t sumulat
kalakhan din niya�y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiisa�t pagod,
buhay may abuting magkalagot lagot.

(Translation)

Where are the youth who will consecrate their golden hours, their illusions and their enthusiasm to the welfare of their native land? Where are the youth who will generously pour out their blood to wash away so much shame, so much crime, so much abomination? Pure and spotless must the victom be that the sacrifice may be acceptable. Where are you, Oh youth, who will embody in yourselves the vigor of life that has left our veins, the purity of ideas that has been contaminated in our brains, the fire of enthusiasm that has been quenched in our hearts? We await, Oh youth, come, for we await you!

1
Hosted by www.Geocities.ws