
Mga Halamang Gamot
Colon Cancer ( Kanser sa Bituka)
"Panimula"
Ang kanser sa colon ay sakit na galing sa malaking bituka (large intestine) sa ibabang bahagi ng panunaw (digestive system). Nagsisimula ito sa mga maliliit ng polyps (na hindi naman mapanganib) ngunit sa katagalan ito ay madalas nagiging kanser. Upang maiwasan ito ang pagpapasuri sa doktor sa pinakamaagang panahon ay mabisang panlaban sa sakit na ito. Ang kolon ay nahahati sa maraming bahagi, ito ay ang mga sumusunod:
- Ascending colon (paakyat)
- Cecum colon
- Transverse colon (pahalang)
- Descending colon (pababa)
- Sigmoid colon
Mga dahilan ng sakit na ito:
Ang kanser sa colon ay karaniwang nagmumula sa isang maliit na polyps.
- Ito ay namamana. Maaring ang magulang ay mayroon.
- Ang uri ng pagkain
- Ang uri ng pamumuhay
"Anu-ano ang mga kakikitaan sa mga tao may colon cancer?"
Hindi ibig sabihin kung kayo mayroon isa man dito o higit pa sa mga sumusunod ay mayroon kayong sakit na colon kanser.
- Ang biglang pagbabago sa pagbabawas ng dumi.
- Madalas makaranas ng constipation (hirap sa pagdumi)
- Matagal na diarhea (pagtatae)
- Maninipis na dumi. Madalas ito ay may hugis lapis na nipis
- Madalas na pagdurugo sa labasan ng dumi o may halong dugo ang dumi
- Madalas magkaroon ng pananakit ng tyan o kabag.
- Pakiramdam na parang laging puno ang bahay dumi
- Tuloy tuloy na pananakit ng likod o balakang
- Hindi maipaliwanag na pangangayayat
Kung kayo ay may nararamdaman isa man o higit pa sa mga ito ay mahalagang magpunta at magpasuri sa pinakamalapit na doktor.
"Sinu sino ang maaring kapitan ng sakit na ito?"
- Kahit sino ay maaring magakaroon nito. Bata at matanda ay walang pasado rito
- Ngunit siyamnapung porsyento ang mga taong may edad na 50 taong gulang at pataas
- Sa pamilya
"Anu-ano ang mga pagsusuri upang malaman ang sakit na ito?"
- Digital Rectal Exam Isinususuot ng doktor ang kanyang daliri sa puwetan upang kapain ang kalagayan ng bahay dumi kung ito ay namumuong maliliit na bukol.
- Blood Test. Sinusuri ang sample ng dugo sa laboratoryo.
- Flexible sigmoidoscopyIto ay isang tubong may ilaw na malambot na pwedeng bumali at sinusuot sa puwetan upang makita ang loob ng kolon
- Barium enema Ang kabuuan ng pagsusuri ginagamitan na ng x-ray.Ang barium animo'y dyobos na inihahalo sa dumi. Bubugahan ito ng hangin at lumilikha ng hugis na nakaulma sa dumi. Dito makikita kung ano ang hitsura ng dinding ng bahay dumi, kolon, malaking bituka o ang maliit na bituka.
- ColonoscopyKatulad din ito ng sigmoidoscopy. Ang kinaibihan lang ito ay nakararating sa kaloblooban ng kolon at maaring makakuha ng maliit na laman para suriin. Mayroon din itong ilaw at maliit na kamera at nakadugtong sa isang masid (monitor)
- Genetic Testing Sinusuri ang yari ng henetiko ayon sa mga kamag-anakan at mga magulang.
"Anu-ano ang mga gamot sa upang malunasan ang sakit na ito?"
- Kung maagapan ang sakit na ito, operasyon ang kinakailangan
- Kung hindi pa kumakalat ang kanser malaki ang pagkakataon ng gumaling ang sakit.
Pagkain:
Napag-alaman sa pananaliksik na ang pagkain na mainam sa pagbawas ng maaring kahantungan ng sakit ay:
- Mga gulay, pawang mga gulay lamang.
- Iwasan ang mga hindi pangkaraniwang pagkain lalong lalo ang pulang karne. Ang katamtamang dami nito ay sapat na upang mabigyan tayo ng sapat na lakas ng katawan.
Ano ang ibig mong malaman o matutuhan? Itayp mo lang sa ibaba.
Panawagan: Kailangang mayroong email para maipadala ang kasagutan kahit na pahayaw lamang. At kung hindi makatanggap ang sagot ng agad-agad huwag isiping binawala ito, bagkus ito ay ituturing na mahalaga at itatala bilang isa sa mga bagay ng dapat pagtuunan ng pansin.
Paksa:
Working Email:
Pangalan:
Lugar:
Iba pang lugar: Probinsya:






