Magkakaroon ng relasyon ang anak ng haciendero na si MARCO (Richard Gomez) at anak ng trabahador na si EMILY (Dawn Zulueta). Tutol ang ina ni MARCO na si MARGARET (Helen Gamboa) dahil para sa kanya, isang babae lang ang nararapat kay Marco, at ito ay ang mayaman at anak ng mayari ng banko na si JANE (Rita Avila). Gagawa ng paraan si Margaret para masira ang relasyon ni Marco at Emily, dahilan upang magkagalit sila ng kapatid niyang si VIRGINA (Susan Roces) at putulin ang ugnayan nilang magkapatid. Dahil sa kagagawan ni Margaret, namatay ang ama ni Emily at nakulong si Emily. Makakasal si Marco kay Jane at susumpa si Emily na balang araw, gagantihan niya sina Marco at Margaret at papantayan ang yaman nito. Lumipas ang maraming taon, nabiyayaan ng dalawang anak si Marco at si Jane � si Johanna (Melissa Ricks) at Nathaniel (Paulo Avelino).